UCAP ARTISTS BOOKING

Likas ang mga Pilipino sa taglay na talento sa pag-awit at paglikha ng mga awitin. Kaya naman maging sa awiting papuri at pagsamba ay di papahuli ang mga Pinoy.

Sa katunayan, ilan sa mga Praise and Worship songs ng gawa ng mga Pilipinong kompositor ay inaawit na sa mga lokal na simbahan sa ating bansa at pinapatugtog na sa ilang mga Christian radio station at sa mga internet radio. Kung kaya ganoon na lamang ang pagsidhi ng damdamin ng mga Christian artists at bands mula sa ating samahan sa United Christian Artists of the Philippines para lalong pagibayuhin ang paggawa ng mga bagong awiting papuri o mga Christian songs upang magbigay puri sa ating Panginoon at maging biyaya sa mas marami pang mananampalataya sa buong Pilipinas na nakakapakinig ng mga awitin na swak sa ating damdaming Pilipino. Ito din ang ating adhikain sa UCAP na maging pagpapala ang mga awitin at maging ang ating mga artists o banda upang magkaisa sa layunin na mahikayat ang mas marami pang Pilipino na tangkilikin ang sariling atin na matatawag na Original Filipino Worship.

Para sa mga nais magimbita sa ating mga UCAP Artists/ Bands tulad ng church events, anniversary, evangelistic concerts, fund raising o iba pang special gathering, maaring tumawag lamang sa ating UCAP Center (02) 834-7274 or magtext sa 0932.2387224 o di kaya mag-email sa info@ucapnetwork.com